Wednesday, August 02, 2006

At Last!!! I'm Back!!! (Again & Again & Again...) Hahahahaha!!! Apir!!!

Yelow folks!!! Hehehe... sa tagal ng long period of time, nakapag-post na ulit ako sa aking inaagiw, nilulumot at puno ng alikabok na blog!!! Sa tagal ng panahong walang linya ng telopono at Internet... ayun, sa wakas!!! At last!!! Andito ulit ako para makikap-APiR sa inyo!!! Apir!!! Bakit nga ba kinalawang na at inamag ang blog ni PUSiT??? Hhhmmm... Hhhmmm...

Eto ang kabuuang pangyayari ng mga happenings...

Kasi nitong nakaraang buwan ng Hulyo 2006, sa mga ika-8 araw nito... natuloy na kaming lumipat dito sa Novalichez, Quezon City. Tuluyan na naming nilisan ang aming luma (bulok) na inuupahang apartment sa Caloocan City. Bakit kami lumipat from Caloocan patungo sa malayong liblib na pook ng Novalichez? Ang sagot ay: "Kasi, the owners of the apartment wants to renovate the said place because of its 'old' & full of 'crap' houses." Ayun!!! Kami tuloy itong napalayo... Eh, bakit naman kasi lilipat sa malayo? Ang sagot ay: "Ito kasi ang napili ng mga magulang ko... at dahil masunurin akong bata... wala akong magagawa... Apir!!!" So, ayun ang malinaw at clear na dahilan at reasong kung bakit at why ako nawala ng ilang linggo (o buwan na ata?) sa blog world at hindi na nakapag-update ng aking blog at hindi na rin maka-reply sa mga Tag ninyo... kaya, pasensiya na kayo at parang na-stroke ako... hehehehe... Apir!!! At ang nakaka-inis... nasira pa ang TV namin!!! Kaya lalong parang nasa kagubatan kami sa gitna ng siyudad dahil walang mapanood na programa at maging balita!!! Buti na lang may newspaper at taho sa labas... masarap uminom ng taho habang nagka-kape eh... ang bilis makabusog!!! Hehehehe... Tapos, wala na ngang telepono at Internet... ang asteg na monitor namin ay sobrang labo na at parang kelangan ng itapon kaya lalong walang magawa sa bahay na ito kundi maglinis ng bahay at siyempre, mag-gitara!!! Rock On!!! Buti na lang naka-bili na ng monitor at ayun, malinaw na ang paningin sa mga letra!!! Ayos!!! Gayundin, may linya na ng telepono at kanina lang, nakibili na ako ng Internet Card at eto na!!! Eto na!!! Eto na!!! Apir!!! Hehehe...

Hhhaaayyy!!! Daming nangyari sa aming paglilipat at madami ding adjustment lalo na sa pagbiya-biyahe... Ang layo na kasi!!! Buti naman at nasasanay na kami at parang malapit na din habang tumatagal. Dahil sa mga bagay na nasira tulad ng TV at monitor at walang telepono, buti na lang may Unlimitext ang Globe!!! Hehehehe!!! Dun na lang ako nangungulit at nangungulit!!! Hehehehe!!! Apir sa aking mga ka-text!!! Salamat sa inyong pagtitiyaga sa aking pag-flood ng messages ha... Peace tayo!!! Hehehehe...

So hanggang dito na lang muna ha mga ka-blogsters at mahalaga alam ninyong buhay pa ako!!! Wahahahaha!!! Apir!!! Tnx kay Ate Meigh, EPS, Abby, meyms, Noreen, Ash at DR3 sa pag-bisita... Apir sa inyo lahat!!!

Rock On!!! Apir!!! \m/

11 Comments:

At Wednesday, August 02, 2006 11:23:00 PM, Anonymous Anonymous said...

well, well, well, look who's here? pusit is back on the block! hahaha! congratulations at na-resurrect ka! malapit lang naman ang NOva ah, kesa Caloocan? weh, parang may alam ako sa sinasabi ko. hahaha! basta welkam bak! apir!

 
At Wednesday, August 02, 2006 11:50:00 PM, Blogger kamoteng-pusit said...

Hahahaha!!! Ang bilis talaga ni Ate Mei, hindi lang sa txt kundi pati sa blog!!! Hahahaha!!! Ayun... ahmmm... inaantok na ako kasi uminom na ako ng kape... kaya gudnayt na muna at apir!!! Hehehehe... Tnx sa lahat!!! Apir!!!

 
At Thursday, August 03, 2006 5:22:00 AM, Blogger LIPAD PARUPARO LIPAD! said...

kamote kah! hetong sa yo! *HUGZZZ* hehehe...glad you're back! AFIR! AFIR! AFIR! (o hayan magsawa ka sa kaka-afir)

 
At Thursday, August 03, 2006 2:25:00 PM, Blogger kamoteng-pusit said...

Hi Perlas!!! Salamat at dumapo ka ulit dito sa aking kamoteng aquarium!!! Hehehe... Apir talaga!!! Kelan kaya tayo magkikita-kita? Wahahahaha!!!

 
At Thursday, August 03, 2006 8:16:00 PM, Blogger lheeanne said...

Makikiwelcome back ako senyo!!! Apir.. heheh! ang kulet!

 
At Friday, August 04, 2006 11:47:00 AM, Anonymous Anonymous said...

Naku, pareng squid! Alam mo namang lurker ako palagi no! Sa wakas nag-post ka na din!

Nga pala, KAMOTE KA! KAMOTE KAYONG LAHAT! KAMOTEEE! Wala lang. Tuwing mag-aaya labulabu kayo e.

Apir!

 
At Friday, August 04, 2006 11:41:00 PM, Blogger kamoteng-pusit said...

TUTUBING-KARAYOM: Apir!!! Salamat at natutuwa ka sa Apir!!! Kaya para sa'yo TK... isang malaking APIR!!! Welkam ka dito!!! Salamat at napa-dapo ka dito!!! ;-)

DR3: Men!!! Kamote tayo!!! Apir!!! Mishu na!!! Oh, kelan tayo nood ng SUPERMAN? Ay napanood na pala natin... hekhekhek... Apir!!!

 
At Saturday, August 05, 2006 11:25:00 AM, Blogger lheeanne said...

Naalala ko kc ung kinakanta ng pamangkin ko.. APIR tayo sumakit ang ulo ko... spagetti masarap... hehe!! Isa kang Bato.. u Rock... Keep Apiring.. i mean keep giving high five..

 
At Saturday, August 05, 2006 11:46:00 PM, Blogger kamoteng-pusit said...

Hehehe... Soupagetting pataas pababa!!! galeng!!! Hehehehe... Apir talaga!!! Rock en Roll!!! Bato Gulong Bato!!! Hehehehe!!!!

 
At Tuesday, August 08, 2006 7:16:00 AM, Blogger lheeanne said...

Andito ulit ako!!! nagpapawis sa kakalipad...

 
At Wednesday, August 09, 2006 11:55:00 AM, Blogger kamoteng-pusit said...

Malaking... AAAPPPIIIRRR!!! 4 u Rho-Anne!!! Asteg!!! Harharhar!!! Salamat at natatawa ka sa APir!!! Hehehehe... Salamat sa dalaw sa aking selda at salamat sa pag-link mu sa akin... link na din kita!!! Apir ulet!!! ;')

 

Post a Comment

<< Home