Sunday, May 21, 2006

The Return of the Comeback of PUSiT After a Long Hibernation in the Pod of a So-called Temporary Slacker Life that... Apir!!! (Bacolod Trip: PART 1)

Yelow ma' dear bloggies!!! How are ya'll doin'? Hope that your all fine, fine, fine!!! Apir!!! Hehehe... sorry sa mga fans na naghihintay ng updates ko ha, eh, am so lazy mag-update eh... hehehe... pero eto na ako ulit... after a long hiatus, update na muna para may alam naman kayo sa mga nangyayari sa aking buhay-buhay. So, here it goes ma' FANS!!! Hehehehe...


Last April 5 was the real update that I made on this, just minus the April 22 ha... Remember, the next day was my flight going to Bacolod for Sherick & Jane's Wedding... So ito ang kwento sa unang bahagi ng aking enjoyable trip, na nauwi sa di-masyadong magandang trip at nauwi talaga sa isang kalbaryong trip na humatong sa pinakamasaklap na bahagi ng kalbaryo na un-expected na di-inaasahang pangyayari at experience... Darn!!!


April 6 to 7, 2006 (Arrival & Trippings):

After kong mag-puyat ng April 5, dahil sa pag-aasikaso ng mga ihahandang songs sa aming gig sa Bacolod at pag-aayos ng mga damit at dalahin, tapos, si DR3 nag-text @ around mga 12 or 1 AM ata yun, di na daw makakasama kasi masama ang pakiramdam at may trankaso... sayang, kulang kami... kaya, mga 3 AM na ako naka-tulog. Tapos, ginising na ako ng mga 4:30 AM dahil ang flight namin ay 7:10 AM na at mag-byabyahe pa... Kamote ang sakit sa mata at sa ulo... parang adik!!! So ayun, after daanan sila DudE & Cha, on the way na sa airport. Mga 7:20 AM, lipad na kami... at ok lang ang 1st timer sa airplane kasi mas nakakatakot pa ang paglipad namin sa experience sa Baguio.... Remember? Hahahahaha!!! We arrived at Bacolod airport at around 8:00 AM & Shrek & Jane fetched us. Diretso sa house nila for breakfast & after that, diretso na sa K-Mas Pension House. Ayun pahinga muna... (Zzzzz...zzzzz...zzzz...zzzz) After ng rest, eating time once more, so they brought us @ Bob's Restaurant, one of the high caliber restos in town (counterpart siya ng mga TGIF, Italiannis, like that...). Ako nag-salad lang kasi nagre-reduce talaga ako at madali na ako mabusog. After that libot konti & we brought Cha to a computer shop coz she has a unfinished business left & she need to pass her report or thesis on time. That's the beauty of hi-end technology... anywhere, basta may Net... Apir!!! Then we left Cha & we went to the venue of the wedding. After that, we get Cha & eat na kami ng dinner sa Chicken House!!! Sarap ng chicken inasal!!! Iba talaga ang orig!!! Juicy!!! Apir!!! Ang inasal sa Manila, lasang INASAR!!! Ang tigas at tuyo!!! Ayun!!! After that, we walk home & sleep. (Zzzzz.... zzzzz... zzzzz.... zzzzz.... zzzzz....)

Ayan, gising na kami!!! So tuloy ang saya sa Bacolod!!! Dumating na ang iba pang tropa who will attend the wedding. Family & classmate ni Sherick. Ayun, we ate breakfast ulit sa house nila Jane. Ayan na... ayan na... nag-uumpisa na ang badtrip ng trip ko... di pa ako kumakain, sumasakit na ang sikmura ko & back... Dammit!!! So, eat lang ako ng konti tapos drink ng tea. I took my medicine & talagang nagbaon ako kasi inaasahan kong sisikmurain ako, so ready ako dun... Hindi gumanda ang pakiramdam ko.... Dahil ang lakad that day ay magpupunta ng resort, tuloy ang plano kahit masakit ang sikmura ko... tiis na lang. We went at Mambukal Resort!!!! Ang ganda ng place!!! Jungle talaga at ang ganda ng mga pool!!! Kahit andun na kami, hindi pa din gumagaling ang sakit.... masakit talaga at hindi ko alam kung paano ang gagawin ko. Hindi ako makapag-enjoy. Kaya, inom ulit ako ng gamot, baka sakaling tumalab naman.... tapos humiga ako ng kaunti.... habang sila, nagswi-swimming, ako ayun, nakahiga at di-alam ang gagawin sa sakit. Buti na lang at nawala din kahit papano at sa wakas!!! Nakapag-swimming din ako!!! Hay salamat!!! After swimming we trek the jungle to see the 7 Falls of Mambukal!!! Grabe!!! Ang haba pala ng lalakbayin at ang tataas ng daan... nakakalula!!! Hanggang 1st Falls lang kami kasi hindi na namin kaya!!! Hahahahaha!!! After the trek, uwian na!!! We ate our dinner @ Jane's lola. Ayos ang handa pero ayun, hindi ulit ako nakakain kasi nga... alam nyo na at baka bumalik pa ang sakit ng sikmura & back ko. After that, uwi sa hotel & sleep coz the next day is the day that we've been waiting for... the Wedding of Sherick & Jane at ang aming GiG!!! Hahahahaha... Apir!!!


April 8, 2006 (The Wedding Day):

Ayun... Gising na kami... as usual, breakfast at Jane's house again... habang nagkakainan, inaabanagan ko ang pagsakit ng sikmura & back ko... SALAMAT!!! Walang sumakit!!! So, punta na kami sa hotel ulit to get ready & mag-practice ng mga tutugtugin sa wedding. After ng practice, we rest a li' bit & when we woke up, 3 PM na pala... hehehe, napasarap ang tulog namin... hehehehe... so gutom, we bought our lunch @ KFC. Habang kumakain, nag-aayos na din kami coz the wedding will start @ 5 PM e 4 PM na... kamote kami!!! So ayun, on the venue already, we witnessed the public annuncement of the love of Sherick & Jane for each other... hehehe... (Kelan kaya ako? Sino kaya ang babaeng masasabihan ko ng "I DO"??? hehehe...) Makikilala ko din yun!!! Hahahaha... ako naman ang ikakasal, magiging memorable sa kaniya ang wedding na yon!!! Hehehehe... teka, bakit kwento ko na, anyways... after the ceremony & picture taking. We ate our dinner fast coz' we need to set-up the instruments. Ayun!!! Hehehehe... Saya ng tugtugan namin!!! This Bacolod GiG ang one of the best GiG namin kasi perfect!!! Walang mga sablay!!! Tapos, 1st time ko din kumata sa harap ng maraming people as a back-up vocalist!!! Wuhoooo!!! Asteg ang PUSiT!!! Yehey!!!! Enjoy kami pata ang mga invited guests & also the newly weds!!! Ang masaya pa, hindi sumakit ang sikmura ko!!! Yessss!!! Tnx Jehovah for this!!! Kahit 1 time lang, hindi nasira ang araw ko at nakapag-perform kami ng maaayos at sumaya ang wedding ni Sherick & Jane!!! Congrats again!!!


Hhhaaayyy!!! Mahaba na tong post na ito... atleast nalaman nyo ang masasayang pangyayari ng Bacolod days ko... The next posts will be more unpredictable... Kamote, kamote, kamote!!! The worst days has yet to come... Apir!!!

By the way, tnx sa mag patuloy na nagvi-visit sa blog ko. DR3, EPS, Ate MEi, Mayang, Pearlas, Abby, Noreen, Yasu & Moja!!! Tnx to all of you!!! Txt-txt na lang tayo ha!!! Hahahahaha... sensya na kayo sa kakulitan ko mag-text, gusto ko lang kasi kayo pasayahin... hehehehe... Apir!!!

By the way, I would like to greet Abby: " Congratulations & Best Wishes!!!" Apir!!! Kasal ka na!!! Congrats ha!!! =)

7 Comments:

At Monday, May 22, 2006 11:56:00 AM, Blogger LIPAD PARUPARO LIPAD! said...

yesss!!! first uli ako ditow! hoi musta na kafatid na fuset? salamat sa pag-flood mo sa inbox ng cel ko! waaahhh!!! hei, appreciate the act ok? :-) yun lang! AFIR!

 
At Monday, May 22, 2006 11:53:00 PM, Blogger kamoteng-pusit said...

Pearlz!!! Apir!!! Salamat sa una at mabilis na pagdalaw sa aking blog!!! Salamat!!! Ung mga text, maghintay ka pa ng madami pa!!! Hahahaha!!! Apir!!! ;-)

 
At Tuesday, May 23, 2006 12:39:00 PM, Anonymous Anonymous said...

pusit! nice to hear from you again!!! APEEERRRRRRR!!!! heheheh, uy galing ka pala sa operation! nu naman ba pinaggagagawa mo sa gall bladded mo??? hehehe! link kita sa bago kong home!!! take care pusit!!!

 
At Thursday, May 25, 2006 11:26:00 AM, Blogger kamoteng-pusit said...

Marya!!! Tnx 4 skippin back!!! Ok na naman ako at kamote kasi talaga ang nangyari sa gall bladder ko... na-change ko na bago mu address kaya ok na... tnx ulit sa visit!!! Apir!!! =)

 
At Saturday, May 27, 2006 12:28:00 AM, Blogger kamoteng-pusit said...

Teka... sandali lang po... hinay-hinay lang... ilalagay ko rin po... APir!!! ;-)

 
At Sunday, May 28, 2006 6:05:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Squid!!! Buhay ka!

Kamote ka ngayon kalang nag-post! Wala tuloy balita sayo! Apir! Post lang ng post ha?

Uu men, kamote talaga yung trankaso ko that time! Apir Ulet!

 
At Sunday, May 28, 2006 11:28:00 PM, Blogger kamoteng-pusit said...

DR3!!! Apir!!! Hehehe... tinatamad kasi ako mag-type eh... hehehe... basta magpo-post aku ng bagu... Apir!!! Hey!!! C mikey maus??? Hehehehe!!!

 

Post a Comment

<< Home