Wednesday, August 09, 2006

Kamote... Apir!!!

Yelow ulit mga FANS!!! Harharhar!!! Apir!!! Ahmmm, bakit "Kamote "ang title ng post ku? Bakit nga ba? Ewan ko din kasi wala lang akong maisip... kaya KAMOTE!!! Isang Malaking Kamote!!! Hehehehe!!! Ahmmm, pasensya na at matagal-tagal din akong di nakapag-post kasi asar tong Internet namin... sobrang kamote sa bagal at ang PC ko... sobrang kamote din sa bagal ng utak at kukote!!! Kaya pag nagsabay ang parehong mabagal... eh ano pa ba ang aasahan mo? Edi mabagal ding Internet at puro hang na PC kaya puro re-start!!! Kamote!!! Pero anyway, basta naka-dalaw ako sa aking mga FANS ok na yun diba??? Hehehehe!!! One more time... Apir mga FANS!!! Hehehehehe!!! Tapos this week madami din akong ginawa, kasi may delivery kami & 10 boxes din yun, kaya kelangan mag-trabaho. Tapos sagabal pa din ang ulan... pag gagawa na ako ng pang-deliver eh bigla namang uulan!!! Parang nang-aasar!!! Hehehehe!!! Pero ayun tapos na din ang delivery at medyo ok na time ku... Tapos... ano pa ba? Ayun... WALA NA AKONG MAISIP!!! Hehehehe... Cge, un muna... tapos tsaka na ako mag-kwento ng aking mga stories to tell... hehehehe... Basta naka-line-up ang Isabela Vacation happenings & Pictures... un... Hehehehe!!! Apir!!!

I would like to thank: DR3, Ate Mei, Pearlas, Abby, m.e.y.m.s., EPS, & everyone!!! Apir sa inyo lahat!!!

A Big Apir Welcome din sa aking mga bagong FANS (hehehehe...) sina: Tutubing-Karayom, Sayote Queen & Rho-Anne!!! Apir sa inyo at Apir pa din para masaya!!! Yeah!!! Apir!!!

Isa pa!!! Nag-Message si Abby sa TAG BOARD & she said that she will become a "MAMI"!!! Wow!!! Siomai, Chicken, Wanton o Beef Mami ka ba??? O isang Mummy??? Nyay!!!! Hehehehe!!! Joke!!! Congrats Abby & take care for your up-comming baby!!! Apir!!!

That's All folks!!! Salamat!!! Rock On!!! Apir!!! \c'',)

Wednesday, August 02, 2006

At Last!!! I'm Back!!! (Again & Again & Again...) Hahahahaha!!! Apir!!!

Yelow folks!!! Hehehe... sa tagal ng long period of time, nakapag-post na ulit ako sa aking inaagiw, nilulumot at puno ng alikabok na blog!!! Sa tagal ng panahong walang linya ng telopono at Internet... ayun, sa wakas!!! At last!!! Andito ulit ako para makikap-APiR sa inyo!!! Apir!!! Bakit nga ba kinalawang na at inamag ang blog ni PUSiT??? Hhhmmm... Hhhmmm...

Eto ang kabuuang pangyayari ng mga happenings...

Kasi nitong nakaraang buwan ng Hulyo 2006, sa mga ika-8 araw nito... natuloy na kaming lumipat dito sa Novalichez, Quezon City. Tuluyan na naming nilisan ang aming luma (bulok) na inuupahang apartment sa Caloocan City. Bakit kami lumipat from Caloocan patungo sa malayong liblib na pook ng Novalichez? Ang sagot ay: "Kasi, the owners of the apartment wants to renovate the said place because of its 'old' & full of 'crap' houses." Ayun!!! Kami tuloy itong napalayo... Eh, bakit naman kasi lilipat sa malayo? Ang sagot ay: "Ito kasi ang napili ng mga magulang ko... at dahil masunurin akong bata... wala akong magagawa... Apir!!!" So, ayun ang malinaw at clear na dahilan at reasong kung bakit at why ako nawala ng ilang linggo (o buwan na ata?) sa blog world at hindi na nakapag-update ng aking blog at hindi na rin maka-reply sa mga Tag ninyo... kaya, pasensiya na kayo at parang na-stroke ako... hehehehe... Apir!!! At ang nakaka-inis... nasira pa ang TV namin!!! Kaya lalong parang nasa kagubatan kami sa gitna ng siyudad dahil walang mapanood na programa at maging balita!!! Buti na lang may newspaper at taho sa labas... masarap uminom ng taho habang nagka-kape eh... ang bilis makabusog!!! Hehehehe... Tapos, wala na ngang telepono at Internet... ang asteg na monitor namin ay sobrang labo na at parang kelangan ng itapon kaya lalong walang magawa sa bahay na ito kundi maglinis ng bahay at siyempre, mag-gitara!!! Rock On!!! Buti na lang naka-bili na ng monitor at ayun, malinaw na ang paningin sa mga letra!!! Ayos!!! Gayundin, may linya na ng telepono at kanina lang, nakibili na ako ng Internet Card at eto na!!! Eto na!!! Eto na!!! Apir!!! Hehehe...

Hhhaaayyy!!! Daming nangyari sa aming paglilipat at madami ding adjustment lalo na sa pagbiya-biyahe... Ang layo na kasi!!! Buti naman at nasasanay na kami at parang malapit na din habang tumatagal. Dahil sa mga bagay na nasira tulad ng TV at monitor at walang telepono, buti na lang may Unlimitext ang Globe!!! Hehehehe!!! Dun na lang ako nangungulit at nangungulit!!! Hehehehe!!! Apir sa aking mga ka-text!!! Salamat sa inyong pagtitiyaga sa aking pag-flood ng messages ha... Peace tayo!!! Hehehehe...

So hanggang dito na lang muna ha mga ka-blogsters at mahalaga alam ninyong buhay pa ako!!! Wahahahaha!!! Apir!!! Tnx kay Ate Meigh, EPS, Abby, meyms, Noreen, Ash at DR3 sa pag-bisita... Apir sa inyo lahat!!!

Rock On!!! Apir!!! \m/