NEWS FLuSH!!! Apir!!!
Tooot... tooot... tooot!!!
Magandang Madaling Araw, Umaga, Tanghali, Siesta, Merienda, Gabi, Hapunan, Midnight until Midnight Snack mga Kapusong Kapamilya!!!
Eto ang inyong tagapag-balita ng wawlang kakwenta-kwentang mga Balita sa loob at labas ng bahay ni Mang Gusting na kabit ni Aling Tekla na GRO noong 1954... si MIKE NOSERICKETTS po!!!
Headline Bukas... Ngayon ang Broadkas!!! Ehem, ehem!!! Excuse me po!!!
Eto ang hilera ng mga nagbabaga, nag-aapoy, naglalagablab, umiinit, umuusok na mga Balita:
(1) GOOD NEWS!!! WALANG BAD NEWS!!!
(2) Tahanang Walang-Hagdan... Inakyat!!!
(3) Isang Bakla, Ginahasa... Tuwang-tuwa!!!
(4) Bulag, Nakapatay... Nagdilim daw ang Paningin...
(5) Tindera ng SUKA... TINOYO!!!
(6) Teacher, Nagkamali... Tinuruan ng Leksyon!!!
(7) BASURERO, Nagsampa ng Kaso... BINASURA!!!
(8) TUBERO... Nagka-TULO!!!
(9) Misis ng Photographer... Nakunan!!!
(10) Isang BUNTIS... Sinaksak... BATA sa Sinapupunan... NAKA-ILAG!!!
(11) Barkong Lumubog... Di-nakatiis... LUMUTANG!!!
(12) Bangkay, Nahulog sa Ataol... Hindi Nasaktan!!!
(13) Kusinerong nakasunog... Ginisa!!!
(14) Duling, Yumaman!!! Dumoble daw ang Kita!!!
(15) Aso, Nakagat ang Dila... Namatay sa Rabis!!!
(16) Labandera... SINABON!!!
(17) Prosting may LAGNAT... Uminit ang Katawan!!!
(18) Matandang Uminon ng 5 Basong Kape... Ninerbyos!!!
(19) Madam Auring, Humulang Gaganda Siya... Hula, Di-NAGKATOTOO!!! (Pwe!!!)
(20) Spider-man... di-nakontrol ang SAPOT... INAGIW!!!
Eto po ang mga Balitang totoong kaka-iba!!! Kaya laging tumutok at nag di-ka tutukan... Eto si MIKE NOSERICKETTS... hindi namin kayo tatantanan!!! Ehem, ehem... Excuse me po!!! Apir!!!
9 Comments:
habang binabasa koba ito kelangan tunog mike enriquez din?
Hehehe... ewan ko na syo Tubs!!! Hehehehe... pwede din para mas feel mu ang kalokohan!!! "Ehem,. ehem!!!" Excuse me po!!! Apir!!!
Aba!!! Si Rho!!! Asteg!!! Ayos at balik Pinas ka na pala!!! Wala bang tsokoleyt na pasalubong??? Hehehe!!! Cge ingat ka at apir men!!!
yay! Pusit nakabalik na sa histeyts ulit si Rho.. haha huli ka nman sa news.. sa lahat ng newscaster e late ka.. hehe!
Kamote!!! Tama ka TUBS!!! Ako nga ang tagapag-BALITA na kulelat sa mga balita!!! Hahahaha!!! Si RHO naman ambilis, uwi agad!!! Wahahahaha!!! E, natutulog din kasi ang tagapag-BALITA!!! Hehehehe!!! Apir mga men!!!
ang dalas mo nmang matulog Men.. kami ni Rho e hindi natutulog hahah!
Eh mga kamote kayo eh, walang tulugan kayo ata eh... kabarkada nyo siguro si Kuya Germs!!! Adiktus!!! Hehehehe!!! Apir mga men!!! Rock On!!!
Yay ipamana daw ba sa kanya ang trabaho ni Kuya Germs! haha! sensya na hindi nman barkada si Kuya Germs kc ala akong channel ng kapuso eh! hahah! Mga APO ang idol-ing ko! hahah!
Wahahaha!!! Ayoko ng GERMS!!! Ok, THAT'S ENTERTAINMENT ba ang blog ko??? Hahahaha!!! Walang tulugan blues!!! APir!!!
Post a Comment
<< Home