Tuesday, January 03, 2006

My BAGUIO ADVENTURE on the Last Month of the Year 2005!!! Afir!!!

Hi to all of you... matagal-tagal din akong nawala sa Net... kasi madami ako inasikaso... ahmm... masaya rin ang last month ng 2005 for me... pero hindi ganun kasaya, kasi madami at may mga gumugulo sa isip ko... buti nga medyo masaya ako sa pagpasok ng 2006 kasi nasa Baguio kami. Nag-invite kasi ang family friend namin (Chan Family) pati na si Tita Letty na may-ari ng rest house na tinuluyan namin... Sa Green Valley yung place at isang village yun na asteg talaga!!! Sarap ng klima at ang lamig!!! Para kaming nasa refrigerator kasi sa sobrang fog!!! Ayun, mga 4 days din kami at maraming nangyari. Nakita ko din si Irish (dati kong crush, hehehe...) na pinsan ng Best friend ko at matagal na din kaming di nagkasama-sama... kaya masaya din!!! Afir!!! Last Saturday (December 31, 2005) namasyal kami sa EPSA na bilihan ng pasaluong... maliit at mahal... next stop... Mines View Park kung saan picture-picture at namili ng mga pasalubong!!! Andami mabibili doon at mas mura pa kaysa sa EPSA... kaya asteg dun!!! After that, Burnham Park at namili ulit sa gilid-gilid ng mga pasalubong... Tapos nagkita kami doon nila Irish kasi may susunduin daw kami... So Pag-uwi, bumili muna ng mga red wine sa Booze then diretso sundo na... Sa aming pagsundo, may incident nga na nangyari samin eh... dahil sa ako ang driver, first time kong mag-drive sa Bagiuo at first time kong sumabak sa matataas at matitirik na zigzag road... ayan na... nag-convoy kami to pick-up yung brother ni Tita Lilia sa isang lugar doon... hindi namin alam at akalain na ang dadaanan namin ay makikitid na daan at kung magkasalubong ang mga sasakyan ay grabeng dikit na at kailangang tupiin ang side mirrors para magkasya... hindi lang iyon... andun ang pinakatirik na daan sa Baguio!!! Anak ng PUSiT!!! Dun lang dawa ang exit at no choice kami!!! Pagliko, nakita namin ang aming kinatatakutan... ayun na!!! So, sige ihataw na to!!! Pag-andar ng sasakyan, naka-higa na kami ng mga 35 degrees in inclination... tapos, sa gitna, naging 40 degrees at ang huli... isipin mo na ang space shuttle sa EK... GRABEEE!!! Kakakatakot!!! Hindi na namin maibangon ang mga ulo namin!!! Dahil sa hindi ako naka-bwelo dahil yung sinusundan naming L300 ni Pikoy, medyo binitin na ako... malapit na akong maka-akyat pero ang makina... hindi na nakaya... KAMOTE!!! Namatayan ako ng makina at nakatirik na ang sasakyan... naku!!! Kinabahan na ako kasi baka umatras kami at mawalan ng preno at bumanga!!! Andun pa naman sa likod naka-upo ang mga kamag-anak ko, puro bata pa naman at andun din ang pamangkin ko si Gavin... kaya sobra na takot ko!!! Pagkamatay ng makina, doon lang ako kinabahan!!! So tapak ako sa preno... hatak ang hnadbrake... nag-start ulit ako... tapos sa inclination na 45 degrees, akala ko kakayanin na... pagbitaw ko ng preno at tapak sa gas... bigla kaming umatras!!! Ang bilis!!! buti na lang mabilis pagtapak ko sa preno at paghatak sa handbrake!!! kung hindi... we're doomed!!! Buti na lang walang mga people na naglalakad sa gitna ng kalye at puro sa gilid sila dumadaan, naku baka kung meron... nasa kulungan na ako ng Baguio. So sa sobrang takot namin lahat... bumababa na ang Mom ko, sila Myt, Gavin, Ta Cynthia w/ Bajee & Tricia... Si Dad, natakot na kasi yung car brand new tapos nagasgasan pa ung pinto kasi pagbukas ni Myt (my sister) dahil sa sobrang kaba, sumabit yung pinto sa pader at medyo umaatras ung car kaya kumalso yung pinto... dahil dun, hindi na maisara yung pinto... buti na lang napilit ni To Jun na mahatak yung pinto kundi baka matanggal ang pinto pag-umatras ulit... so hanap si Dad & To Jun ng bato... ikinalso sa gulong... si To Jun na pinag-drive namin... so nang subuklan niya... umatras ulit ang car at tinalon ung bato dahil sa sobrang tirik ng daan!!! grabe!!! Akala namin babanga na sa pader kasi sobrang lapit na!!! Buti na lang hindi... kundi baka, namuti na si Dad sa sobrang putla... hekhekhek... (Joke lang Daddy... ay lab yu!!!) Ayun... so ginawa, dahan-dahan na lang inatras ni To Jun yung sasakyan para kumuha ulit ng bwelo... buti na lang nat naka-ahon... SOBRA!!! Inakyat namin ang pinakamatarik na daan at napakahaba pa!!! Kasi naghintay na lang si To Jun sa patag na daan at dun kami nagkita-kita!!! Grabe!!! Si Dad sobrang hapo na, kasi para kang nag-tread mill ng 2 hours sa sobrang hirap sa pag-akyat tapos malamig pa kaya halos hirap kaming huminga lahat... buti na lang at naka-ahon yung car at safe kaming lahat... kaya sa pag-drive... medyo alam ko na kung ano ang gagawin pag-dating ulit sa Baguio... hindi na kami sasama sa pagsundo doon!!! Sobrang takot at hirap ang aabutin naming sa lugar na iyon!!! Whew!!! Tapos nun, ayun... balik sa Green Valley at eating time na!!! Sinabon pa ako ng Dad ko at bumubula na ako sa sabon niya sakin!!! Kuko ako!!! Kamote!!! Tapos nun umuwi na kami yesterday (Monday; January 2, 2006). Sa aming pag-uwi, medyo nangangamoy yung clutch ng L300 kaya naka-alalay kami sa likkod nila... medyo mabilis kasi sila pababa sa Kennon Road eh... Tapos nun... sila Tito Loufo naman na-flat ang gulong kasi may nadaanang 3 inch nail!!! Buti naayos agad... So nagkita-kita kami sa Bocaue, sa Petron. Dapat hindi don ang stop over & meeting place ng convoy, sa Caltex Petron sa San Fernanado, Pampanga... eh nauna ako sa kanila... at dahil medyo antok na din ako... nalagpasan ko yung Caltex... hindi naman ako pwedeng umatras kasi baka maaksidente pa kami... so dun na lang sa Bocaue. After that, kanya-kanya na kami ng uwi... Sila to Jun & Te Cynthia ay inihatid ko pa sa Binan, Laguna kaya straight ako... buti na lang si To Jun muna nag-drive at naka-nap ako ng konti... pagdating doon... uwi na din kami agad... si Dad, nakatulog na at ako sobrang nagmamadali na... ang luwag ng SLEX kaya 140 kph na takbo ko kasi antok na talaga at pagod na ako... buti we're back home safe... ayun... mga 4 AM na ako naka-sleep at earlier this day... 12 Noon na ako nagising... Hhhaaayyy!!! Ayun ang akun nga adventure on this last month of 2005!!! Apir!!!

Sa totoo lang... maraming masasayang bagay at pangyayari ang idinulot ng year na ito sa akin... nakita ko ang taong hindi ko akalain na sa kanya pala mahuhulog ang loob ko... sa year na ito ko rin naranasan na gawin ang lahat-lahat para sa taong special at mahal mo na din... sa year na ito din ako natuto sa mga pagkakamali ko na nagawa ko sanya at natuto na baguhin ang mga katangiang iyon... marami pang iba... dito ko rin naipakita sa year na ito na kaya ko palang maging sweet, maging mapag-sakripisyo at maging considerable sa damdamin ng iba... sa year na ito ko rin naranasang ma-inlove sa buong buhay ko at sobrang saya pala nun... sa year ng 2005 ko din nabago ang buhay ko... dahil siya ang inspiraion ko... nakayanan kong mag-reduce at magakahirap sa gym... ang sarap pala pag may inspiration sa buhay... I BECOME A BETTER MAN bcoz of "HER"... I CHANGED my ATTITUDES bcoz of" HER"... SHE really is my BIGGEST INSPIRATION!!! Pero, may mga bagay na talagang kailangang harapin... Ano iyon PUSiT? (To be continued...)

Tnx Guys!!! Apir!!!

7 Comments:

At Wednesday, January 04, 2006 12:21:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Astig yang adbentur mo men! Sayang! Gasgas ba talaga yung innova?

Men, nung pagresbak ko dito sa PH paalis palang pala kayu papuntang baguio. Sayang! Apir! Pero uke lang, relax lang ako ng ilang days.

Agree ako sayo na nakakapagpabago ng ugali ang pag-ibig! Gusto ko na ng pretzels! Pero gusto ko parin ng kamote! Kamote ka! Apir! Bwakekekek!

 
At Wednesday, January 04, 2006 12:38:00 PM, Blogger kamoteng-pusit said...

DR3!!! Apir man!!! Tama, may gasgas sa pinto pero maliit lang pero halata... hehehe... talagang nakakapagpabago ang pag-ibig pero may kailangan gawin... cge man... Apir!!!

 
At Thursday, January 05, 2006 10:09:00 PM, Blogger kamoteng-pusit said...

Salamat PERLAS!!! Apir!!! =)

 
At Monday, January 09, 2006 7:35:00 PM, Blogger kamoteng-pusit said...

Mei!!! Oo nga eh... kakatakot... kala ko babangga kami... pero buti na lang at hindi. Apir!!! Cge tignan ko ang assignment na yan!!! Hehehe!!!

 
At Saturday, January 14, 2006 11:45:00 AM, Anonymous Anonymous said...

ack. uso ata ang aksidente ngayon. huhu.. at least walang nasaktan sa inyo.. (kami rin! hehe)

at walang nasaktan sa pagda-drive mo. hehe.. asteeg ng adbenchur. (nasabi ko yan dahil nga walang nasaktan)kaya pag may nagtanong sayo kung magaling kang drayber e ayan.. isa sa mga masasagot mo. hehe

afir!

 
At Sunday, January 15, 2006 4:51:00 PM, Blogger kamoteng-pusit said...

YASU!!! Apir!!! Tama!!! adbenchur tlaga na parang adventure!!! Hahaha... buti na lang at wala talagang nasaktan... salamat sa pagdalaw!!! Apir!!!

 
At Sunday, January 15, 2006 4:52:00 PM, Blogger kamoteng-pusit said...

YASU!!! Apir!!! Tama!!! adbenchur tlaga na parang adventure!!! Hahaha... buti na lang at wala talagang nasaktan... salamat sa pagdalaw!!! Apir!!!

 

Post a Comment

<< Home