Thursday, February 16, 2006

Wait!!! Post this February but Post from January... Huh??? Apir na lang!!!

Wait Up!!! These are the activities and other things I forgot to post last month (January 2006)... Hindi na kasi talaga ako makapag-post or even reply sa mga comments ng aking mga FANS!!! Hehehehe... kapal ko noh??? Enough about that fans thing... ahmmm... there's so many things & even activities that needed to be accomplished on the past month kaya hindi ako makapag-post & makapag-comment... ahmmm... here it is... Apir!!!

After that Baguio Adventure, pag-uwi dito... ano pa nga ba... back to normal!!! Trabaho ulit!!! Hehehe... tapos unti-unti ko naman sinasanay ang sarili ko na imulat ang mata sa katotohanan na ayaw talaga sa akin ng taong gusto ko... eh, ganun eh... ano magagawa ko... medyo mahirap lang nang una at talagang nakakalungkot at mahirap ding isipin kung bakit ayaw din niya... siguro nga sa itsura ko... kaya nga talagang nagpupursige ako sa gym ngayon... ok naman ang pagrereduce kasi nabasan ako ng 10 lbs!!! Hehehe... hirap talaga magbawas ng timbang... di na nga ako kumakain eh... pero kahit ganun na tinatanggap ko sa sarili ko na hindi siya pwede o ayaw niya sa akin... eh siya pa rin ang inspiration ko... sa totoo lang, namimiss ko siya... miss ko na din siya i-text... kaya medyo binawasan ko na magtext sa kanya kasi nalulungkot lang ako eh... lalo ko lang siya naaalala at laging pumapasok sa isip ko kaya kahit sa text hindi na masyado kasi nalulungkot lang ako kasi miss ko na siya. Hirap talaga pag tinamaan... una pa lang naman sinabi niya na at alam kong rejected ako... pero ako lang siguro ang makulit... I just want to give my self a chance at ipakita sa kaniya na sincere ako sa kaniya... pero ganun talaga, hindi niya ako gusto kaya pasensiya ka PUSiT... pasyal-pasyal ka muna... Pero sa totoo lang, siya lang ang girl that I pursue... wag susuko hangga't di niya sabihin... pero nararamdaman ko naman na di-pwede... kaya kahit hindi na manggaling sa kaniya, ako na lang ang lalayo. Until now... siya pa din ang lagi kong naiisip... pero hindi na masyado ako nalulungkot kasi medyo natatanggap ko na ang katotohanan. Pero... ewan, hoping pa din ako hangga't wala pa siyang bf... sana magkaroon naman ako ng chance... pero malabo pa rin un... basta... Ayun!!! Isa lang yun sa ka-sentihan ng January ko... Ang bestfriend ko naman, ayun... kaka-break naman sa girl niya kasi... may mga pangyayaring di maganda kaya ayun... talagang affected siya ng mga pangyayari kaya pumayat ng husto... buti na lang nagbago ang pananaw sa buhay at unti-unting naka-move on... isinama ko siya sa gym kaya ayun... pareho na kaming nagi-gym... parehong sawi sa pag-ibig na idinadaan sa gym ang mga hinanakit sa pag-ibig... medyo tumaba nga siya eh... ako ayun, patuloy pa ring nagpapaliit ng bilbil at tiyan... marami na ding nagsabi na lumiit ako ng konti kaya they still give me the motivation to continue doing the changes that happen to me... Eh, wala kasi ako inspiration maisip kaya siya pa din ang inspiration ko... hehehe... Ayun... tapos konting alis-alis, malling ganun... tsaka ayun... sana maging masaya lang siya lagi... un lang...

Ahmmm... that's all lang ang mga mahahalagang pangyayari sa January ko... Kamote!!! Hindi ko man lang na-detail ung ibang mga activities na nagawa ko last month... na-carried away kasi ako sa ka-sentihan ko eh... hehehe... Apir!!!

Nga pala... Marming salamat kina Ate MEi, EPS, PERLAS, Kaide, M.E.Y.M.S., TinTin & Others... Salamat sa time ninyo na mag-visit at mag-comment sa blog ko... Maraming maraming thank you!!! Makaka-visit din ako sa inyo!!! Ingat & APIR!!!

4 Comments:

At Thursday, February 23, 2006 10:53:00 PM, Blogger kamoteng-pusit said...

Woi PERLAS!!! Ambiles mu ah!!! Una ka ulet!!! Afir!!! Tama!!! Busy lang ako eh... tama, kelangan ko magpapayat para pumayat!!! Hehehe!!! Dalaw ako minsan sa inyo!!! Tnx ha!!! Afir!!!

 
At Tuesday, February 28, 2006 10:54:00 PM, Blogger kamoteng-pusit said...

Yelow Ate Mei!!! Musta na!!! Apir tayo!!! Oki-doki naman ako... Eh ikaw... musta na? hehehe... salamat sa visit!!! Apir!!! =)

 
At Friday, March 03, 2006 4:25:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Uu men, tutuu yan, taung mga magkakatropa e tag-herap ngaun! Kamote talaga.

Aku naman 3 wiks nakong me throt infection, di madale ng antibayutiks, kaya ngayon dinadaan ko nalang sa herbs. Hindi kasi pwedeng kulamin ang bacteria, kaya herbs nalang. Bwakekekekek.

Hinahamon ko nga ng sapakan tong impeksyon na to dinededma lang ako. Duwag siya. Isa siyang duwag. Duwaaag. Ayaw niyang lumabas sa lalamunan ko at labanan ako ng lalaki-sa-impeksyon. Sira ulo siya. Kahit wala siyang ulo. Apir!

Congrats sa gym time men, inggit ako sa inyo. Tagal ko nang nawala sa werkouts!

 
At Friday, March 03, 2006 10:53:00 PM, Blogger kamoteng-pusit said...

Men!!! tutuu yan,,, herap mageng herap sa kaherapan... dowag nga yang inpiksyun na yan sa lalamonan mu... ominum ka na lang ng maenet na tobig... tunaw lalamunan mu... piro wala na din ikaw lalamonan... hekhekhek... juk lang men... ahmmm... apir!!!

 

Post a Comment

<< Home